Leche! Ano bang problema ng mga tao at sadyang ang tigas o ang manhid naman nila? Di man lang marunong maawa sa mga sumasapit ng sakit sa kanilang pinag-gagagawa. Masama na ba babaan lang kaunti ang PRIDE ngayon? Ganyan na ba talaga ang tingin mo sa sarili mo na sobrang matapang at sobrang ma-prinsipyo? Papairalin pa din talaga ang napaka-taas na PRIDE na yan kahit nag-pproblema na kayo? So anu gusto mong mangyari? Pataasan ng Pride? Walang kibuan, walang pansinan? Ganun? Aba! Nabuhay ka pa kung papairalin mo lang PRIDE mo. Tapos pilit mo pang i-papaproblema sa iba yang kayabangan mo. Ang taas ng tingin sa sarili, wala namang kwenta. Wala naman akong pinapatamaan, tamaan na lang ang dapat tamaan. Yun lang yun. At sa mga nakakaranas ng pataasan ng pride na laro, aba! Makikipag-kumpitensya ka din ba o hahayaang maging ganun. Dapat sa mga ma-PRIDE na tao eh ipakain sa kanila PRIDE nila at ng makita nila kung ano hinahanap nila.