Noong elementary palang ako favorite subject ko na ang Math. mabilis ako magsolve tsaka pag klase na namin sa Math ginganahan talaga ako. Pag perfect ko yung exam namin ako pinapacheck ni maam. Tapos nun pinapasagutan samin yung window card. Nakakaapat na 100 ako lage. Pero minsan may one mistake din. Careless eh. Hehe
Tapos noong bata ako. Mahilig ako magdrawing. Ginagaya ko yung looney tunes, basta cartoon characters, nature at tao. NapapaWOW pa nga mga kaklase't kaibigan ko eh kahit di gaano ka ganda. Haha. Hindi ko nga lang kinukulayan yung mga drawings ko kasi I'm not good in coloring at pagkatapos dinidikit ko sa pader ng kwarto ko.
Naalala ko din noon. Mahilig ako maglaro ng titser titseran. Bale ako yung teacher tapos yung bunso kong kapatid ang estudyante ko tapos kaibigan niya. Nagttest din kami. Lecture. Tapos di pa class record pa ako. marunong nako magsolve ng grade nun eh. Hahaha
Nang naghighschool nako. Computer naman ang gusto ko. Parang ang feeling ko hindi ako mabubuhay pag walang computer. Tapos gusto ko din na magtrabaho sa banko. Tapos ngayon nagdadalawang isip nako sa gusto ko. Parang biglang nagbago.
Nahihirapan nako. ANO BA TALAGA? OH ANO BA TALAGA? BAKIT BA KASI PABAGO BAGO TONG ISIP KO? Huhu :'( Hindi ko talaga alam ang gusto ko. Hindi ko talaga alam kung anong kurso ang kukunin. Gusto ko sundin ang gusto ng iba para sakin pero ayokong magsisi sa huli.