Here we come Mambukal! 3 am palang gising na kami kasi mahaba haba pa biyahe namin. Mula sa Lambunao patungong Leganes 1 hour na yung biyahe. Pagdating namin dun. Handa na sila eh. Handa na lahat kulang nalang yung sasakyan na maghahatid samin sa port. After 15min dumating na yung jeep. Ready na kami. Super excited. First time ko pumunta ng Bacolod eh at tsaka first ko time ko din sumakay sa barko.
Pagdating namin sa port ng Dumangas picture muna bago umalis. Bale 24 kami lahat. Di lang kami kumpleto jan kasi yung dalawa, sila ngttake ng picture samin. Hahaha. Ayun. Sasakay na kami. Nagmamadali yung barko eh.
Sa Barko.
Ito lang yung picture na medyo maayos yung buhok ko. Yung hangin kasi eh. Malakas makaukay ng buhok. Hahaha. Wala pa naman akong dalang suklay.
Ganda nito noh? Cute. Bumaba talaga yung photographer makunan lang sila. Chos! Sayang lang wala ako sa picture na to. Natutulog ata ako? Hahaha. Sayang lang!
Ganda ng view diba? Marami pa to eh. Tinatamad lang ako magpost. Tagal kasi magupload. For more photos visit my Facebook. Syempre. Add mo muna ako nang makita mo!
Bacolod na kami. Yey! Sakay ulit ng jeep papunta na ng Mambukal. 1 hour and 30 min pa daw yung biyahe. Wuu. Pagod na pagod nako neto eh. Wala akong ginawa kundi matulog lang. Nasiraan pa ata kami dito. Pero buti na lang naayos kaagad ng driver.
Mula sa mahaba habang biyahe. Sa wakas dito na kami. Ayan naglalakad papunta sa pagsstayhan namin. Kahit na pagod, puyat at gutom kami. Hindi parin mawawala sa mukha namin yung excitement.
Masarap magkamay lalong lalo na pag gutom ka. Diba? Buti nalang fried chicken eh. Hahaha. Talagang super gutom kaming lahat. Sa sobrang gutom hindi namin naubos yung pagkain. Haha.