Tuesday, April 12, 2011

Eto yung gagawin mo pag hiniwalayan ka ng ex mo.

  • huwag na huwag kang iiyak sa harapan niya. lalaki yung ulo niya at iisipin niya na isa pala siyang malaking kawalan para sa’yo.
  • huwag mo siyang itext at tawagan na para ka nang mamatay kung wala siya sa tabi mo. sa tingin mo, bakit ba hindi pinapakain ang asong tahol ng tahol? kasi nga, maingay siya, nakakairita. kaya yun, manahimik ka at huwag kang magbibigay ng hint na nasaktan ka ng sobra sobra.
  • magsaya ka kasama ang mga kaibigan at pamilya mo.
  • lumabas ka ng bahay. gumala ka. kahit saan. okay lang kung may pupuntahan ka at naaalala mo siya, tawanan mo lang.
  • kung nasaktan ka talaga, umiyak ka. okay lang talaga umiyak. umiyak ka hanggang sa matuyo yung tear ducts mo. pagkatapos niyan, magiging okay ka, promise.
  • wag kang maging plastik. wag kang mag-astang malakas at manhid at ipagsigawan sa buong mundo na nakamove on ka na. pag tinanong ka, smile ka lang, tapos sabihin mo, okay lang ako. sabihin mo ng paulit-ulit at isipin mo na okay ka. magiging okay ka rin.
  • makipagflirt ka sa iba. pero wag na wag kang gumamit ng reboundkasi laging nakatingin sa’yo si karma. 
  • gawin mo yung bagay na hindi mo nagagawa nung kayo pa nung ex mo.
  • wag kang mag-facebook. nakakasira talaga siya ng buhay. dahil alam na alam mo na titignan mo talaga yung profile niya at pag may nakita kang hindi kanais-nais, (e.g. ex is in a relationship with a slut) mag-tumblr ka na lang. malalabas mo pa lahat ng baho mo ng walang nakikisawsaw.
  • at higit sa lahat.. magdasal ka. And all will be well.