Alam mo kung ano ang mahirap? Mahirap pag incoming first year college kana. Mahirap, napakahirap at pinakamahirap. Kung para sayo hindi. Well para sakin super duper OO. Ang hirap makapag decide ng course eh. Alam mo yun? Ok lang kung school. Alam ko na kung saan ako magaaral. Sa USA. nagtake ako ng exam noong February 26. Ang nilagay kung course dun ay BS Commerce. Para sure na makakapasa talaga ako. Wala kasing cut off yung math. Bale English at math subjects lang.
Pagka next week nun. Pwede na daw makuha yung result ng exam nmin. Kaya pinadala ko sa kapatid ko yung resibo, pinakuha ko sa kanya. Nang makuha na niya yung resulta. Nag JOKE pa eh. Sabi nya hindi daw ako pumasa. Pero syempre hindi ako naniwala. Hindi naman mahirap yung exam eh. Hahaha. Joke. Medyo lang. Yung english ang mahirap.
Dahil sa taimtim kong dasal kay Lord. Nakapasa ako sa lahat except nursing. Pero ok lang. Hindi ko naman gusto yun tsaka may RN nako na kapatid. Kaya ok lang yun. Laking gulat ko nun. Mataas pala score ko sa Math. Kinumpara ko kasi sa iba. I'd passed the Engineering course tapos sila hindi. Ayun marami nakong pagpipilian. Ang hirap hirap magdecide eh. Hindi ko talaga alam kung ano gusto ko.