Dahil sa hindi ko alam ang kukunin kong kurso nagtanong tanong ako sa iba.
*Sabi ng papa ko Forestry o Agriculture o di kaya Teacher. Indemand daw yun eh. Hahaha. Pero ayoko. Tapos nung isang gabi sabi niya naman Computer Engineering nlang kasi mahilig naman daw ako sa computer.
*Sabi ng mama ko Accountancy o Med Tech o di kaya EC Engineering o Chem Engineering.
*Sabi ng ate ko EC Engineering or Civil Engineering kasi irerekomenda niya ko sa ex niya pag ECE kinuha ko pag CE naman sa boyfriend niya. Mahilig siya sa Engr. Hahaha
*Sabi naman ng isa kong ate Marketing o EC Engineering din.
*Sabi ng tita ko Teacher daw para maging principal ako. Hahaha
*Suggestions ng mga friends ko Computer Engineering, Architecture, Accountancy.
Tsk. Ano ba talaga? Parang gusto nila maging Engr. ako. Hilig ko nga math pero hindi ako matalino sa Math. Kung engineering pipiliin ko. Sigurado mahihirapan talaga ako. Haay :( Hanggang ngayon nagiisip parin ako.