Friday, September 28, 2012

Hi Ms. Copycat

Du **** kagid bala. Wala gid originality haw? Mangilog ka nalang sng mga post ko pirme? Pati cursor ko nga strawberry? Anu pagid ne? Tanan nalang? Huya man ta cmu bah. Du pati style ko kag. Tanan nalang! TANAN! Abi mo wala ko kamaan noh? Abi mo pagd wala ko na gnaopen noh, kay wala gid ko it new post? Huh. Huya man bi gamay. ORIGINAL kman bla hambal mo sa post mo? Or basi ikw lang ang nakamaan cna? Tingala man ko damu views ka blog ko hay sgad mo gro ka balik lantaw. Pwo mau man na ah. Inspirasyon mo ko pwo tani wala lang ilugnay bi? Please lang?

---
Hoy miss. Man.an mo man guro nga ikaw gnamean ko ah. Ukon amo ka lng gdman ka ran nga dan? Pwde mo maislan imo introduction sa imo wretch? Kay gnilog mo lang na sa akon blogspot. Dbala? Gusto mo iHACK ko tanan mo nga account? Gnatun.an na na namun mo. Gpangita gni ako sang akon biktimahon. Gusto mo IKAW NALANG? You want? Tutal gpangilog ka man lang. Wala man na japon pulos kay wala ka originality ya. Nami ka imo ya ba. Siguro kung kbalo ka pagd mghimo themes pati akon ilugon mo ay? Noh? Tun.e mau. Mhuya kman bi gamay ne. FEELER ka gid ya katama. Yota mo eh! 

Friday, May 11, 2012

Bhaybee sana mabasa mo to oh. :">

Yung first and fifth nalang ang hinihintay ko, && I will be totally happy!

Friday, June 3, 2011

The best adventure ever.

Here we come Mambukal! 3 am palang gising na kami kasi mahaba haba pa biyahe namin. Mula sa Lambunao patungong Leganes 1 hour na yung biyahe. Pagdating namin dun. Handa na sila eh. Handa na lahat kulang nalang yung sasakyan na maghahatid samin sa port. After 15min dumating na yung jeep. Ready na kami. Super excited. First time ko pumunta ng Bacolod eh at tsaka first ko time ko din sumakay sa barko. 
Pagdating namin sa port ng Dumangas picture muna bago umalis. Bale 24 kami lahat. Di lang kami kumpleto jan kasi yung dalawa, sila ngttake ng picture samin. Hahaha. Ayun. Sasakay na kami. Nagmamadali yung barko eh. 
Sa Barko.
Ito lang yung picture na medyo maayos yung buhok ko. Yung hangin kasi eh. Malakas makaukay ng buhok. Hahaha. Wala pa naman akong dalang suklay.

Ganda nito noh? Cute. Bumaba talaga yung photographer makunan lang sila. Chos! Sayang lang wala ako sa picture na to. Natutulog ata ako? Hahaha. Sayang lang!
Ganda ng view diba? Marami pa to eh. Tinatamad lang ako magpost. Tagal kasi magupload. For more photos visit my Facebook. Syempre. Add mo muna ako nang makita mo!
Bacolod na kami. Yey! Sakay ulit ng jeep papunta na ng Mambukal. 1 hour and 30 min pa daw yung biyahe. Wuu. Pagod na pagod nako neto eh. Wala akong ginawa kundi matulog lang. Nasiraan pa ata kami dito. Pero buti na lang naayos kaagad ng driver. 
Mula sa mahaba habang biyahe. Sa wakas dito na kami. Ayan naglalakad papunta sa pagsstayhan namin. Kahit na pagod, puyat at gutom kami. Hindi parin mawawala sa mukha namin yung excitement. 
Masarap magkamay lalong lalo na pag gutom ka. Diba? Buti nalang fried chicken eh. Hahaha. Talagang super gutom kaming lahat. Sa sobrang gutom hindi namin naubos yung pagkain. Haha.

Monday, April 25, 2011

Ano ba talaga?

Noong elementary palang ako favorite subject ko na ang Math. mabilis ako magsolve tsaka pag klase na namin sa Math ginganahan talaga ako. Pag perfect ko yung exam namin ako pinapacheck ni maam. Tapos nun pinapasagutan samin yung window card. Nakakaapat na 100 ako lage. Pero minsan may one mistake din. Careless eh. Hehe

Tapos noong bata ako. Mahilig ako magdrawing. Ginagaya ko yung looney tunes, basta cartoon characters, nature at tao. NapapaWOW pa nga mga kaklase't kaibigan ko eh kahit di gaano ka ganda. Haha. Hindi ko nga lang kinukulayan yung mga drawings ko kasi I'm not good in coloring at pagkatapos dinidikit ko sa pader ng kwarto ko.

Naalala ko din noon. Mahilig ako maglaro ng titser titseran. Bale ako yung teacher tapos yung bunso kong kapatid ang estudyante ko tapos kaibigan niya. Nagttest din kami. Lecture. Tapos di pa class record pa ako. marunong nako magsolve ng grade nun eh. Hahaha

Nang naghighschool nako. Computer naman ang gusto ko. Parang ang feeling ko hindi ako mabubuhay pag walang computer. Tapos gusto ko din na magtrabaho sa banko. Tapos ngayon nagdadalawang isip nako sa gusto ko. Parang biglang nagbago.

Nahihirapan nako. ANO BA TALAGA? OH ANO BA TALAGA? BAKIT BA KASI PABAGO BAGO TONG ISIP KO? Huhu :'( Hindi ko talaga alam ang gusto ko. Hindi ko talaga alam kung anong kurso ang kukunin. Gusto ko sundin ang gusto ng iba para sakin pero ayokong magsisi sa huli.

Their Suggestions

Dahil sa hindi ko alam ang kukunin kong kurso nagtanong tanong ako sa iba.

*Sabi ng papa ko Forestry o Agriculture o di kaya Teacher. Indemand daw yun eh. Hahaha. Pero ayoko. Tapos nung isang gabi sabi niya naman Computer Engineering nlang kasi mahilig naman daw ako sa computer.
*Sabi ng mama ko Accountancy o Med Tech o di kaya EC Engineering o Chem Engineering.
*Sabi ng ate ko EC Engineering or Civil Engineering kasi irerekomenda niya ko sa ex niya pag ECE kinuha ko pag CE naman sa boyfriend niya. Mahilig siya sa Engr. Hahaha
*Sabi naman ng isa kong ate Marketing o EC Engineering din.
*Sabi ng tita ko Teacher daw para maging principal ako. Hahaha
*Suggestions ng mga friends ko Computer Engineering, Architecture, Accountancy.

Tsk. Ano ba talaga? Parang gusto nila maging Engr. ako. Hilig ko nga math pero hindi ako matalino sa Math. Kung engineering pipiliin ko. Sigurado mahihirapan talaga ako. Haay :( Hanggang ngayon nagiisip parin ako.